NIA sinigurong matatapos ang 2016, 2017 projects sa Rehiyon1

LUNGSOD NG URDANETA, PANGASINAN – Siniguro ng National Irrigation Administration sa Rehiyon 1 (NIA-1) sa mga magsasaka na matatapos ang mga irrigation system projects mula 2016 hanggang 2017 sa Hunyo ngayong taon.
Sinabi ni Regional Manager Vicente Vicmundo ng NIA-1 sa mga bagong halal ng opisyal ng Timpuyog Daguiti Irrigators Associations Ti Region 1, Inc. (TIARI)) na lahat ng nakabinbing proyekto ng 2016 at 2017 ay matatapos nang hindi lalagpas ng Hunyo ng taong ito dahil sa mabilis na procurement system na ipinapatupad.
Inihayag ni Frida Nidoy, Division Manager ng Engineering and Operations Division ng NIA-1 na 14 proyekto noong 2016 at 133 proyekto noong 2017 ang tatapusin pa habang lahat ng proyekto noong 2012 hanggang 2015 ay natapos na.
Samantala ay sinabi ni Dominador Aquino, bagong halal na president ng TIARI sa kanilang panunumpa sa NIA-1 office na ang irrigation systems sa karamihan ng probinsiya sa rehiyon ay gumagana nang maayos at ang iskedyul ng paglalabas ng water supply ay mahigpit na sinusunod.
Dagdag niya na, “we are working hand in hand with NIA in fixing problematic irrigation systems and in cleaning the irrigation canals”.
Nagbibigay ang NIA-1 ng P150 kada ektarya na insentibo sa mga irrigator, kahit na humiling ang mga magsasaka sa National Confederation of Irrigators Association upang itaas ang halaga sa P500 kada ektarya.
Nagpasalamat naman si Aquino sa NIA sa pag-alis ng irrigation service fees and amortization.
Ang iba pang bagong halal na mga opisyal ng TIARI na nanumpa kay Vicmundo ay sina
Rogelio Ceredon (vice president internal); Nestor Dizon (vice president external); Ernesto Pamoceno (secretary); Karl Hernandez (treasurer); Victoriano Petina Jr. (auditor); Public Relation Officers Victorino Gaoiran (Ilocos Norte); Constantino Apolonio (Ilocos Sur); Danito Tuvera (La Union); Voltaire Cave (Pangasinan) at Romeo Lilagan Sr., Juanito Espanol, Elpidio Mendoza, Joe Lapitan, Emelio Acosta, Julio Tomas and Elpidio Lamug, mga Board of Trustees.
Sinabi ni Vicmundo na ang parehong serbisyo at suporta mula NIA ay ibibigay sa mga magsasaka kahit walang fees at amortization dahil ito ay subsidized na ng gobyerno.
“Besides, we have adopted as one of our best practices in NIA-Region 1 the Farmer’s First Policy, wherein we deliver fast action and result to the farmers”, pagtatapos ni Vicmundo. ABN

Amianan Balita Ngayon