NIGERIAN, 2 PINOY HULI SA HIGH GRADE MARIJUANA

BAGUIO CITY – Isang Nigerian national na kasabwat ang dalawang pinoy ang natimbog sa buybust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Baguio City Police Office at nahulihan ng high grade dried marijuana sa may Gibraltar,Baguio City.
Ito ang ikalimang foreigner na nahuli sa pagtutulak ng droga sa lungsod,ayon kay PDEA Regional Director Gil Castro.
Kinilala ang nadakip na si Hamid Mohamed I Moustaph (HVI), 29, residente ng La Trinidad, Benguet at tinaguriang High Value Individual (HVI) at ang dalawang Street Level Individual (SLI) na sina Troy Adalim Mencio Jr.,23 at Daniel Paul Emperador Castro , 25.
Narekober sa mga suspek ang 14.175 gramo ng dried marijuana na may halagang P20,000.00. Nakuha din ang ginamit na buy-bust money, cellular phone at sasakyang kulay orange Ford Eco Sport na kanilang gamit sa transaksyon.
“Hindi galing sa Kalinga o’ Benguet ang kanilang marijuana,kundi ito ay ang tinatawag na home cultivation. At itong foreigner ay modus
operandi ay magtanim at alagaan ang tanim na marijuana,kaya maganda ang quality nito,gaya sa nahuli kamakailan na isang Yemen national na may sariling plantasyon sa mga paso sa loob ng bahay,” paliwanag ni Castro.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon