No tailgating ordinance, isinusulong sa konseho

Pinag-aaralan ngayon ng konseho ng lungsod ang pagpapatupad ng
No Tailgating Ordinance upang maiwasan ang pagbuntot ng mga motorista sa mga sasakyang pang emergency gaya ng ambulansya.
Ayon sa mungkahing panukala na iniakda ni Councilor Elaine Sembrano, naobserbahan ang pananamantala ng ilang mga
motorista na bumuntot o sumunod sa likod ng mga sasakyang pang-emergency upang makaiwas sa trapiko at mabilis na makarating sa
pupuntahan. Ngunit ang naturang gawain ay maaaring magdulot ng trahedya at magbigay peligro na maaaring ikasawi.
Ayon sa mga driver ng Baguio City Emergency Medical Service (BCEMS) na kung maipapatupad ang mungkahing ordinansa ay
makakatulong ito sa pag-iwas ng disgrasya lalo na sa mga motorsiklo at taxi na kadalasang sumusunod sa kanila kapag sila
ay naka- emergency light. May posibilidad ding biglang huminto ang ambulansya at dahil sa biglang paghinto mula sa mabilis na andar nito ay maaring ika-bunggo o ikadisgrasya ng mga sasakyang
sumusunod sa ambulansya.
Layunin ng mungkahing No Tailgating Ordinance na higpitan ang pagpapatupad sa mga driver na bumubuntot sa mga sasakyang pangemergency.
Kapag naaprubahan ito, ang mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng aabot sa P3,000.

Amianan Balita Ngayon