Notorious Cyrus Group nalambat: P15-M marijuana nasabat, 3 arestado

TABUK CITY, Kalinga – Tatlo ang arestado habang aabot naman sa P15 million halaga ng pinatuyong dahon ng Marijuana ang nasamsam sa isang buy bust operations ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) ng Camp Crame, Kalinga Provincial Police Office (KPPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa notorious Cyrus Group sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Kalinga Police Provincial Office director Job Russel Balaquit ang mga suspek na sina “Cyrus”, Deo Agod, Ganipis Baggas, at Joey Marngo, mga residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, una nang nahuli at nakulong sa PDEG ang loser ng naturang grupo noong 2013, matapos tangkain ng grupo na mag-ship ng 44 kilograms na marijuana patungong Switzerland pero ito ay nakalaya matapos na madismiss ang kanyang kaso.

Matapos ang dismissal case ay muli na naman umanong binuo ang kanyang grupo para magbenta ng processed marijuana into oil na ginagamit sa vapes cigarettes na popular sa mga millenial, na naging dahilan upang magkasa ng buy bust operation ang pinagsanib na pwersa ng awtoridad na nagresulta muli sa pagkakaaresto ng grupo at pagkakarekober sa mga pinatuyong Marijuana.

Francis Soriano/ABN

Amianan Balita Ngayon