Number 1 TMWP ng PS 9, arestado

Arestado ang number one most wanted person ng Baguio City Police Office-Station 9 bandang 8:30am ng July 10 sa Barangay Ilocanos Norte, San Fernando City, La Union.
Sa tulong ng pinagsamang operasyon ng BCPO Station 9 at CIDG-CAR, naaresto si Gabriel De Guzman Ellana, 35 anyos at residente ng Apugan Irisan, Baguio City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Monaliza Tionson Tabora, ng RTC Branch 7, 1st Judicial Region, Baguio City sa kasong attempted murder sa ilalim ng CC No. 36898-R at may P100,000 bail.
Si Ellana ang number 1 most wanted person ng PS9 sa 3rd quarter ngayong taon. Dinala si Ellana sa BCPO-Station 9 para sa dokumentasyon bago iturn-over sa kinauukulang korte.

Amianan Balita Ngayon