Nurse sa bawat barangay hiniling ni Sen. JV Ejercito

Hiniling ni Sen. JV Ejercito sa pamahalaan na ikonsidera ang paglalagay ng kahit isang nurse sa bawat barangay health
center sa buong bansa bilang bahagi ng kanyang pagpupursige na matugunan ang problemang pangkalusugan ng mamamayan.
Binigyang-diin ni Ejercito, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nurse sa barangay health center upang magamot agad ang mga may
pangkaraniwang sakit at nang sa ganoon ay hindi na kailangan pang dalhin sa ospital.
Isang hakbang din umano ito upang mabigyan ng trabaho ang malaking bilang ng jobless nurses sa bansa at mabawasan ang lumalaking bilang ng mga unemployed at underemployed nurses.
Bagaman lumalaki ang demand ng mga nurses sa ibang bansa, batay sa records ng Professional Regulation Commission, mahigit sa
300,000 Filipino nurses ang walang trabaho sa kasalukuyan.
“The deployment of our competent nurses in the barangay could significantly improve the quality of health services for our people. They are badly needed especially in the far-flung provinces in the
country,” pahayag ni Ejercito sa isang statement.
Si Ejercito ang may-akda ng Universal Health Care program na naglalayong mabigyan ng abot-kayang serbisyong medikal ang lahat ng mga Pilipino.
“We see this as an effective support to our efforts to provide
all the needed medical services to our people,” sabi Ejercito.
“Our nurses could provide the immediate medical needs of
the community as well as prevent illnesses and various ailments,”
paliwanag pa nito.
Ang mga nurse na itatalaga sa bawat barangay health center
ay magsasagawa ng malawakang information dissemination
campaign sa tulong ng mga opisyal ng barangay na magtuturo sa
tao sa kahalagahan ng pagiging malusog, malinis hindi lamang sa
kanilang sarili kundi na rin sa kanilang kapaligiran.
Tungkulin din nilang i-assess ang kasalukuyang health status
ng mga residente sa mga komunidad upang maipagbigay-alam ito
sa Department of Health para sa kaukulang hakbang.

Amianan Balita Ngayon