Hindi sa nagwawalang kibo kundi atubili naman daw sa suliranin ng brownouts sa Occidental Mindoro si Gov. Ed Gadiano. Noong huli siyang nakipag ugnayan sa pamunuan ng Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO), nabanggit na ang kabuuang demand ng kuryente sa Oksi ay umaabot na nga 29 MW, ngunit ang supply ay 24MW lamang.
20 MW ang nanggagaling sa Occidental Mindoro Consolidated Power Corp. (OMCPC) at 4 MW naman mula sa NAPOCOR. Inamin nyang ang kulang na 5MW ang dahilan ng halos tatlong oras na scheduled rotational brownout sa Oksi.
Bukod pa rito’y nagkakaroon rin ng preventive maintenance ang OMCPC na maaaring umabot ng isang buwan kada makina. Tatlo ang makina na nagbibugay ng 7MW. Ngunit dahil sa machine overhaul kada buwan ay maaaring umabot ang kakulangan sa power supply ng 12MW sa loob ng isang buwan.
Warning ni Gadiano sa mga taga Oksi – asahan ang mas mahahabang pagkawala ng kuryente na maaring tumagal ng 12 na oras.
Kanya’t iminungkahi ni Gadiano sa OMECO na apurahin na mapalabas na ang mga dokumento mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) na nag aapruba sa karagdagang 5MW sa Emergency Power Supply Agreement (EPSA) ng OMCPC.
Pangalawa’y apurahin ng OMECO ang pagproseso sa Competitive Selection Process (CSP) upang makahanap ng mga bagong supplier na
makapagbibigay sa Oksi ng sapat na kuryente.
Pangatlo’y agarang makipagugnayan daw ang OMECO sa pribadong sektor upang maghanap ng mga excess power supply at bilhin upang
mapunan ang kakulangan.
Handa daw ang Oksi provincial government na isailalim ang probinsya sa “State of Power Crisis” upang mapabilis ang proseso ng paghahanap at pagbili ng mga labis na kuryente mula sa pribadong sektor.
Maari ding makipag-ugnayan sa Oriental Mindoro Electric Cooperative na may excess supply tuwing non-peak hours. Tingin ni Gadiano,
Maaring idaan ang labis na kuryente sa 69kb Transmission Line ng NAPOCOR sa mga lugar ng Mansalay-Magsaysay at Puerto Galera-Abra De llog.
Siguro’y isang dapat siyasatin ng National Electrification Administration ang OMECO! Bakit sa kabila nang tatlong dekada nang suliraning ito’y, hindi matuldukan?
October 4, 2021
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024