Napakalaking aral ang resulta ng Paris Olympics na nagtapos kamakailan. Di naman tayo dehado dahil nanguna tayo sa medal standing sa buong Asya. Malaking karangalan at kung sa medal tally sa buong mundo, tayo’y nasa ika-37 posisyon. Sabi ng marami, hindi masama. Pagpapakita na si Pinoy ay may K sa sports. Masakit mang tanggapin na sa linya mng matematika at siyensiya, medyo nahuhuli tayo sa ranking sa mundo. Pero mayron din tayong panlaban para maiangat ang dignidad ng ating bansa….ito ang larangan ng palakasan o SPORTS.
Dumating kamakailan ang delegasyon ng Pilipinas mula sa Paris Olympics at grabe ang pagbubunyi ng ating mga
kababayan. Mismong Palasyo ng Malakanyang ang mainit na sumalubong sa kanila lalo na sa mga atleta – talunan man o may medalyang naiuwi. Sabi nga nila, “hero’s welcome” ang ambag ng sambayanan sa delegasyon lalo na sa mga nakasungkit ng medalya, dalawang ginto at dalawang tanso. Batid ng lahat na maitatala sa kasaysayan ang ginawa ni Carlos Yulo na dalawa ang kanyang napanalunang gintong medalya.
Kung kaya, liban sa pamahalaan, may mga indibidwal, kompanya at grupo ang walang atubiling nag-ambag ng pabuya para sa mga atletang nakapag-uwi ng medalyan. Pati nga mga mambabatas natin ay ambag ambag sila para maipakita ang kanilang galak at pagbubunyi. Ang magandang regalo ay mula kay Pangulong Bongbong Marcos : lahat ng mga walang atletang walang naiuwing medalya ay binigyan ng tig-iisang milyong piso. May inilaang gantimpala din para sa mga coaches na nagsanay sa kanila.
Ibinukas din ng Malakanyang ang palad upang kunan ng suhestiyon at adhikain mula sa mga atleta para mapatatag pa ang sports sa ating bansa. In short…hindi mababalewala ang dangal na dala ng ating kababayang nakipagtunggali sa Paris Olympics. Matatandaan natin na sa Tokyo Olympics noon…isang hero’s welcome ang naganap kung saan ang naging bida ay si Hidilyn Diaz na nakakuha ng ginto sa weightlifting. Apat na taon muli ang hihintayin natin bago susunod na Olympics sa 2028. Sabi nga ng mga atletang galing sa Paris Olympics, paghahandaan nila ito.
Kasi, ayon sa ilan nating kababay medyo yata (daw) di gaanong naibibigay nang husto ang dapat na suporta ng pamahalaan sa linya ng palakasan. Ala-ala pa natin nang tayo ay nasa grade school at segundary, kapag mapunta ka sa mga aktibidad pampalakasan, kulang ka raw ng “academic excellence”. Mga “bobo” raw ang sumasali sa sports dahil tamad mag-aral. Sa ating pananaw, malaking mali ang pilosopiyang ito. Maraming pumapasok sa sports na mga intelehente at magagaling.
Meron pa ngang mga nakilala sa sports na mga estudyante at nagtapos na may mataas na promedyo o naging “suma-at cumlaude”. Kaya di dapat maliitin ang kasanayan sa sports kung edukasyon ang usapan. Payo natin sa mga atletang nabiyayaan ng milyones na suwerte, ingatan ang inyong suwerten . Huwag basta lustayin. At sa ating
pamahalaan, patuloy sana ang mga programang magpapalago sa larangan ng palakasan. Sa Baguio, kinilala sa buong mundo ang babaeng anak ni Konsehal Bomogao sa panalo nito sa “muay tai”, isang laro sa martial arts na sinalihan niya kamakailan sa ibang bansa. Marami pa ang ganitong mga talent na dapat suportahan. Mabuhay mga atleta natin! Dangal kayo ng ating bansa. Mabuhay ang Pilipinas!!!! Adios mi amor, ciao, mabalos!
August 17, 2024
August 17, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024