Omar Ibn Al-Khattab Qur’an Learning Center

Nagpaligsahan ang mga studyante ng Omar Ibn Al-khattab Qur’an Learning Centre sa pagsasaulo ng kor-an sa Qur’an Memorization Competition noong Marso 22, 2017 sa Yang Subdivision, Bakakeng Central, Marcos Highway, Baguio City. Ito ay hinati sa dalawang kategorya dahil ang Kur’an ay nasa 30 juz’ (parts) at ito ay humigit kumulang na 604 pages.

Sa unang kategorya (5juz’) nagwagi si Binnas Nasrodin Nagamura habang sa pangalawang kategorya (10juz’) ay nagwagi si Abubakr Bin Abdullah. Ang unang ilalahok sa Indonesia sa paligsahan sa pagsasaulo ng Kur’an at mula sa Baguio at siya rin ang isa sa pambato ng Pilipinas ay si Amanodin H.Ali Pundogar. Hindi pa natukoy ang eksaktong petsa ng paligsahan. Monib Samsodin

Amianan Balita Ngayon