ONE-DAY OPERATION, P4.5-M MARIJUANA, NASAMSAM SA BENGUET AT KALINGA

LA TRINIDAD, Benguet

Ang sama-samang pagsisikap ng mga pulis na puksain ang pagtatanim ng marijuana sa rehiyon ay humantong sa matagumpay na pagpuksa sa 22,650 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP) na nagkakahalaga ng
P4,530,000.00 sa mga lalawigan ng Kalinga at Benguet noong Hulyo 30. Sa Kalinga, may kabuuang 22,500 piraso ng FGMJP na may Standard Drug Price na P4,500, 000.00 ang nadiskubre ng magkasanib na operatiba ng Kalinga Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Tinglayan Municipal Police Station (MPS), ang 1st at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Companies, at Philippine Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Loccong, Tinglayan.

Kasabay nito, sa Benguet, natuklasan ng magkasanib na operatiba ng Kibungan MPS, Benguet PDEU, Regional Intelligence Division, at PDEA-CAR ang 150 piraso ng FGMJP na may SDP na P30,000.00 sa Barangay Poblacion, Kibungan. Matapos ang dokumentasyon ang lahat ng nasabing mga halaman ng marijuana ay binunot at sinunog on-site, habang sapat na mga sample ang kinukuha para isumite sa Regional Forensic Unit Cordillera.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon