Online petition humihiling kay PDuterte na i-rehabilitate ang Baguio

Jan 28, 2019

Isang online petition na layong makaipon ng kahit 5,000 pirma ang umiikot ngayon na humihiling kay Pangulong Rodrigo Duterte para ideklara ang Baguio na isang no-build zone at magbigay-daan sa posibleng rehabilitasyon nito.
“This is also to invoke community ownership for Baguio to be rehabilitated,” ani Joseph Edison Claridades, isang business process analyst na nag-umpisa sa petisyon at ipinost noong Enero 17.
Sa ngayon ay may kabuuang 688 tao na ang pumirma sa petisyon kung saan umaasa si Claridades na aabot sa 225,000 o kalahati ng populasyon ng Baguio sa araw.
“This ‘no build zone’ petition is just a mechanism to implement solutions in rehabilitating the city. The term ‘no build zone’ will make Baguio developers realize whether the City of Pines is really a place to be developed or protected,” aniya.
Sinabi ni Claridades na nagpadala na sila ng liham kay Pangulong Duterte na tinanggap ng Office of the Executive Secretary, at may kopya din ang Pangulo ng mga ebidensiya kung bakit kailangang ma-rehabilitate ang Baguio at mga rason na nagdala sa lungsod sa “over-development.”
Nabanggit din sa liham sa Pangulo ang signature campaign, ani Claridades.
Nakuha ni Claridades, 55 anyos, ang degree sa architecture sa isang unibersidad sa Baguio at lumipat sa Australia noong 1986. Nang bumalik siya sa Baguio noong 2011 ay nagulat siya sa nakita.
“Being born and raised here in Baguio, I think it is just but right to give back to Baguio what it is right — which is to repair, restrain and preserve it,” aniya sa kaniyang petisyon.
“Baguio City is currently in a state of overdevelopment that brought traffic congestion, over population, over consumption, poor waste management and many more. Baguio needs to be rehabilitated in order to correct the wrong and slow down urban development,” nakasaad sa petisyon.
Sinabi niya na ginamit niya ang terminong “no-build zone” para tantiyahin ang pulso ng tao sa posibleng rehabilitasyon ng lungsod.
“If the people of Baguio would realize the importance of this petition, then they can take ownership. If the residents accept it and if we will reach a very good response from others, then the President might think that this is really what the city wants,” aniya.
Sinabi rin niya na ang petisyon ay naka-address kay Pangulong Duterte dahil nakita niyang may matibay na paniniwala ito na gawin ang tama kahit di-popular at sa kabila ng reaksiyon ng mga negosyante.
“If the President will see that almost half of the population of the city signed the petition, then he will declare Baguio as a ‘no build zone’,” ani Claridades.
“To address the congestion, buses will only be allowed at the central business district while jeepneys will only be outside CBD [central business district],” aniya.
Sinabi pa ni Claridades na dahil sa maraming development, ang mga makasaysayang lugar sa lungsod ay nasira na at tatalakayin din sa petisyon ang isyung ito.
“I just conceptualized the content of this petition, but the Baguio community owns it. People has to take ownership of this because this is beneficial not only in today’s generation but also to the future generation,” aniya.
Ayon sa kaniya, sa kaniyang pagbabalik-tanaw ng kaniyang buhay sa dating Baguio ay masuwerte ang kanilang henerasyon na lumaki sa lungsod na kung ano ito dati.
“There were traffic congestions but not as chaotic as the present. There was no pollution, more green zones,” aniya.
“Realizing that I can contribute through my studies, I have decided to come up with this [petition] which I think is advantageous. If the vision will be met, Baguio will become a model city,” aniya.
Sinabi ni Claridades na makikipagpulong din siya sa ilang organisasyon para sa petisyon para makamit ang mas malawak na sakop.
“I have been receiving possible feedback from other people, especially the residents of Baguio. Let’s hope that they will take ownership and fight for what is right not only for them but also for the future generations and for the City of Pines,” ani Claridades.
PMGeminiano,PNA/PMCJ/ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest