Isang magandang araw po sa ating lahat! Naging malaking talakayan ang ordinansa na gustong ipasa ng ating mga mahal na konsehal ng Baguio ang hinggil sa pagprotekta sa mga human rights defender sa ating lungsod na masasabi nating magandang programa. Tandaan po natin na ang layunin ng pagiging human rights defender ay ang pagpapanatili ng seguridad ng pangkabuhayan at mga karapatang pantao ng mga mamamayan sa ating bansa, partikular dito sa ating lungsod kung saan nagiging malaking issue ito sa kadahilang ang mga nasasabing “human
rights defenders” na tinutukoy ay mga grupo ng mga makakaliwang grupo.
Ngayon gusto po naming ilahad na kung ang konsteksto ng pagpapasa sa ordinansa ay para protektahan sila ay isa
itong masasabing kahungkagan. Una, gusto po naming ilahad na sa kabila ng napakagandang pangalan nitong human rights defender ay nakakalimutan nyo na may mga grupo ng mga komunista na kung saan prente lang nila
ang mga legal na organisasyon nila para pasampain sa armadong rebolusyon ang ilang kabataan. Hindi na lingid sa kaalaman ng mamamayan ang Baguio at Kordilyera ang ganitong gawain nila—ang linlangin ang mga kabataan
para masayang lang ang kinabukasan at higit sa lahat ay ang makalabag sa karapatang pantao.
Hindi ang pagpasa ng ordinansang ito ang solusyon. Bagkus mas palalain pa nito ang sitwasyon ng malawakang recruitment ng komunismo sa lungsod dahil nga masasabi na silang lehitimong human rights defender. Pangalawa, huwag po nating kalimutan na may mga nag-aastang human rights defender sa ating lungsod at sa buong rehiyon na
kasabwat ng mga teroristang CPP-NPA. Kung kaya sa pamamagitan nang ordinansang ito, ay nakakapagmasakara at
napapanatiling lihim ang ugnayan ng teroristang grupo at mga galamay nito sa ating lungsod.
Sa makatuwid, gusto tayong ilayo sa katotohanang malapit na silang masukol at gawing paborable sa kanila ang ganitong sitwasyon — 2 birds in 1 stone ika nga. Ang pagpasa ng ganitong ordinansa sa ating lungsod ay isang desperadong komunistang teroristang grupo sampu ng kanilang galamay para magpatuloy sila sa pagrerecruit sa mga kabataan, paghahasik ng lagim sa kalunsuran at makontrol nila ang ating mambabatas ayon sa kagustuhan nila. Ako ay nanawagan sa mamamayan ng Baguio na tutulan at ibasura ang ordinansang ito. Nanawagan rin ako sa ating konseho na pag-isipang mabuti ito at isa-alang-alang ang matagalang ibubunga nito sa ating mamamayan kung ito ay maipatupad. Muli magandang araw at maraming salamat!
Caloy Catti/Concerned Citizen of Baguiohakbang ng
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024