Open spaces babawiin ng lungsod mula sa informal settlers

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang mga open spaces na nakatitulo sa pangalan ng pamahalaang lungsod ay babawiin mula sa informal settlers dahil nakatutok ngayon ang mga opisyal ng lungsod na gawin ang dinagagamit na pag-aari na gawing potential investment sites.
Sinabi ng Asset and Property Management Division ng City General Services Office (GSO) na may 16 na open spaces ang pag-aari ng lungsod sa labas ng central business district na nakatitulo sa pangalan ng pamahalaang lungsod.
Ang mga bahagi ng open spaces na ito na sinakop ng informal setllers ay kabilang ang isang 3,879 sq.m na lote sa Extension Road na karugtong ng Leonilla Hill Rd.; isang 774 sq. m lote sa Cosmos/Daisy St. sa Amparo Heights; at isa pang 1,497 lote malapit sa warehouse ng Teahouse Pastries.
Sinabi ni Supervising Administrative Officer Arnulfo Baldos ng Asset and Property Management Division ng GSO na ang pagkakaroon ng informal settlers ay nadiskubre ng GSO habang nagsasagawa ng updating sa assets record at ocular inspection sa mga pagaari ng lungsod.
Ang mga properties na ito ay iprinisinta sa Management Committee ng lungsod sa pamumuno nina Mayor Benjamin Magalong bilang chairman at co-chairman City Administrator Bonifacio Dela Pena noong Martes, Nobyembre 5.
Sumang-ayon ang mga miyembro ng komite na ang City Buildings and Architecture Offie ay dapat mag-isyu ng notices to vacate bago ang demolisyon ng mga iligal istrukturang itinayo doon.
Habang tinutukoy pa ng lungsod ang angkop na development sa mga open spaces ay sinabi ni Dela Pena na kailangang mabantayan ang mga lugar upang maitaboy ang informal settlers.
Maliban sa informal settlers, ilang properties ay ginagamit ng mga pribadong indibiduwal bilang pastulan at agrikultura.
Samantala, ilang properties naman ang ginawang basketball court na ginagamit ng mga barangay habang ang iba ay ginawang barangay tree parks at mini parks. Pag-aari ng lungsod ang 20 parks at commercial sites maliban sa ilang building structures na pag-aari ng lungsod ngunit ginagamit ng mga ahensiya,organisasyon at civic groups na rerepasuhin kung kinakailangan ang update ng terms of reference sa paggamit ng mga properties na ito.
 
JMS-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon