Operator sa Philex Mining, patay matapos mabagsakan

Patay ang isang scope tram operator matapos aksidenteng bumagsak ang lagusan ng level 908 (underground) ng Philex Mining Corporation bandang 4pm ng July 16, 2017.
Ayon sa imbestigasyon, bandang 8:40am ng parehong araw nang biglang gumuho ang lagusan ng level 908 at nadaganan ang biktimang si Abelardo Binwag, 48 anyos, operator ng scope tram.
Nasagip ang biktima mula sa pagkakadagan at itinakbo sa Santo Niño Hospital, Philex, subalit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Amianan Balita Ngayon