Oplan Tokhang, sa PDEA na!?

Oct 14, 2017

Hindi ito fake news! Totoo ire, pards. Mismong si Pangulong Digong ang nag-atas sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na solo na itong mangunguna sa pagsasagawa ng “Oplan Tokhang” o anti-drug campaign habang pinagbawalan niya ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agencies. Ang atas ay sa pamamagitan ng isang memorandum na nilagdaan ni Digong kamakailan lang. So bawal na sa PNP, NBI, AFP at iba pang law enforcement agencies na magsagawa ng anti-drug operations. Eksklusibo na itong ipapatupad ng PDEA na nakasaad sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ganern? Halukayin natin.

******
Narito ang batas na noon pang 2002 pala epektibo: “RA9165 further mandates that while it shall not mean to be diminution of the investigative powers of the NBI, PNP on all crimes as provided for in their respective organic laws, the said law however specifically provides that “when the investigation being conducted by PNP, NBI or other ad-hoc anti-drug task force is found to be a violation of any provisions of this act, the PDEA shall be the lead agency. The NBI, PNP or any task force shall immediately transfer the same to the PDEA.” Dagdag pa ng pangulo na ang PNP, NBI, AFP, Bureau of Customs, Philippine Postal Corporation at iba pang ad-hoc agency ay dapat magbigay sa PDEA ng lahat ng mga impormasyon o data na kanilang hawak patungkol sa illegal drugs. Tsk tsk, bakit ngayon lang daw naisipang ipatupad ang naturang batas? Kung noon pa sana, sabi ng marami, baka hindi umabot sa libo ang mga napatay dahil sa droga. Ano kaya ang nangyari kung sakali? Pero tapik naman ng iba, kung noon pang 2002 na may batas na tayo kontra illegal drugs at nakaatang ang implementasyon sa PDEA, bakit malala pa rin ang problema sa droga kahit pa bago naging pangulo si Pres. Duterte? Ibig bang sabihin, hindi gumana ang batas? Kulang kaya ang pagkilos noon ng PDEA hanggang sa inabutan ng Oplan Tokhang ni Digong?

******
Matapos ang kautusang bago ni Pres. Duterte, bumalik sa sosyodad ang napakaraming katanungan hinggil sa Oplan Tokhang. Sa record, libo na ang napapatay. Libu-libo rin o baka milyon na ang mga sumuko, natumbok, narehab at tiyak na marami pa ring nagtatago dahil sa takot sa Tokhang. Sa mga patay, ayon sa PNP, lumaban daw. Sabi naman ng mga kontra (witnesses) sinadyang patayin kahit hindi lumaban. Sabi naman ng ilang analyst: hindi lang mga otoridad ang maaaring pumatay sa lumaban (o hindi lumaban), puwede ring pinaslang ng mga nasagasaang kasamahan, katropa o kadroga upang hindi na sila kumanta. In short, hindi lang dapat sa PNP ang bintang, sabi ng mga may malawak na pananaw. At ngayong nasa kamay na ng PDEA ang Tokhang, tiyak marami pa rin ang magtatanong: mawawala na kaya ang EJK o extra judicial killings? Hindi kaya papatayin ang mga dawit sa droga kahit lalaban? Sa maliit na puwersa ng PDEA kontra sa higanteng problema sa droga, (local at international) kaya ba nila? Meron pa kayang mapapatay ang mga “riding in tandem”? Mula sa amin: good luck PDEA! Tamang desisyon, Apo Digong! Abangan ang mga susunod na eksena.

******
Please share your experience with LOLO DORO “JIMMY LUZANO” AKA. MR. CARIñOSO as we celebrate 50 years in the industry. Send to 0928-506-5269. Thank you, Adios mi amor, ciao, mabalos.

RELATED POSTS

MERGING THE BARANGAYS

The renewed effort to consolidate and merge the 128 Barangays in the City of Baguio is once again at the forefront in a lot of peoples...

PILIPINAS… NASA TAMANG DIRESIYON!!!

Base sa isinagawang survey ng OCTA nitong 4th quarter ng 2022….85% ng mga Pilipino ang kumbinsidong nasa tamang direksiyon ang ating bansa...

SINGLE MALTREATED

The closing of a city led festival ended in a sour note because of a crass sponsor who thought it fit to deny artists of a drink. The...

PASKO SA BAGUIO

MUKHANG kakaiba ang mga naihandang mga programa sa selebrasyon ng Kapaskuhan sa Baguio. Mas masigla, Mas masaya, at mas nasa puso at diwa...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest