ORIENTAL WINTER WONDERLAND, TAMPOK SA CHRISTMAS VILLAGE SA BAGUIO

BAGUIO CITY – ‘Oriental Winter Wonderland”, ito ang tema ng kinasasabikang Christmas Village na muling binuksan ng Baguio Country Club para maghatid ng kasiyahan sa mga residente at turista,lalong-lalo na mga kabataan sa Summer Capital. “Ang disenyo natin ngayon taon ay ang mga sikat na parke sa Japan at Korea, na gaya nga nakaugalian sa mga nagdaang taon ay mga ay ecofriendly environment materials ang ginamit,” pahayag ni Adrew Pinero,communication officer ng BCC.

Ayon kay Pinero ang Christmas Village ay nag-soft opening noong Oktubr 10 at ang grand opening ay sa
Oktubre 29. Ayon kay Pinero, sa ika-11 taon ng Christmas Village, na bawat taon ay iba-iba ang theme
ay hindi mawawala ang  kinasasabikan ng mga bata, ang artificial snow na ngayon ay dinagdagan pa upang lalo pang mag-enjoy ang mga bisita at nativity show gabi-gabi. Taong 2011 unang binuo ang Christmas Village ng mga empleyado ng BCC, na may layuning magbigay ng bagong atraksyon sa kanilang mga miyembro at sa komunidad ng Baguio sa kabuuan, kasama na ang mga turista.

Ito ay tinangkilik ng mga residente. Kaya, nang sumunod na taon, muling nakaisip ang mga empleyado ng isang Christmas Village, na bagama’t wala pa itong tema ay pinagkasunduan na gumamit ng mga recycled na materyal na pang-kalikasan para sa display. “We make sure na maeenjoy din ng mga bisita sa mga
food concessioner na inilagay namin sa loob ng village at naglagay din ng mas maraming chair para sa ating mga senior citizen at PWD’s,” pahayag pa ni Pinero.

Ang Christmas Village, na magtatapos sa Enero 8, 2023, ay bukas sa publiko mula 10:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. Ang pasukan Mula 10 a.m hanggang 4:59 p.m, ay P90 para sa mga matatanda; Ang mga
batang 4-12 taong gulang ay P50 at ang Senior Citizen ay P30 at ang Person with Disabilities at batang 3 taong gulang pababa ay libre. Mula 5:00 p.m. hanggang 10:00 p.m., ang entrance para sa adult ay P125; Ang mga batang 4-12 taong gulang ay P90; Ang SC-P50 at PWD at mga bata ay libre.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon