Otonomiya ng Cordillera urgent bill na, ngunit isang usad pa lamang ito

Editorial

Sa wakas ay may rason na upang magbunyi kahit paano ang mga nagsusulong ng isang otonomiyang gobyerno sa rehiyong Cordillera at mabigyan din ng munti at panimulang bagong pag-asa ang mga taga-Cordillera na naniniwala’t umaasam nito. Ang dahilan?, pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang House Bill 3454 na humihiling na gawing “urgent bill” o “priority bill” ang House Bill 5343 na nagsusulong sa otonomiyang gobyerno ng Cordillera at ang pagsasagawa ng isang plebesito upang malaman ang kaisipan damdamin ng mga mamamayan dito. Sa wakas ay may rason na upang magbunyi kahit paano ang mga nagsusulong ng isang otonomiyang gobyerno sa rehiyong Cordillera at mabigyan din ng munti at panimulang bagong pag-asa ang mga taga-Cordillera na naniniwala’t umaasam nito. Ang dahilan?, pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang House Bill 3454 na humihiling na gawing “urgent bill” o “priority bill” ang House Bill 5343 na nagsusulong sa otonomiyang gobyerno ng Cordillera at ang pagsasagawa ng isang plebesito upang malaman ang kaisipan damdamin ng mga mamamayan dito.

Hindi nakausad ang panukalang batas ng otonomiya sa mga nakaraang administrasyon dahil isa sa nakitang dahilan ay ang hindi pagkakakaisa ng mga mismong lider sa Cordillera at mga pangunahing personalidad na may patungkol sa otonomiya at ang kakulangan ng kaalaman ng mga taga-rehiyon. Sa ika-30 anibersaryo at pagdiriwang noong Hulyo 15, 2017 ng Cordillera Administrative Region (CAR) ay ipinakita ng mga lider at mambabatas sa rehiyon na nagkakaisa sila at sa katunayan ay mahigit silang isandaan ang nakipagpulong kay Pangulong Duterte upang ihayag ang masidhi nilang kagustuhang  magkaroon ng otonomiya ang Cordillera. Lahat ng mambabatas ng rehiyon ay presente maliban sa dalawa.

Umubra nga ang ipinakitang pagkakaisa ng mga lider at mambabatas subalit isang hakbang pa lamang ito sa realidad dahil kailangan pang magdaos ng isang plebisito upang malaman ang damdamin at kung pabor ang mga cordilleran sa otonomiya. Sa prosesong ito ay maaaring magamit ng ilang grupo na tutol sa otonomiya o mga paksiyon na hindi naniniwalang may pagkakaisa na nga o mga grupong pakiwari nila’y naisasantabi na sila kahit pa inaangkin nilang orihinal silang nakipaglaban upang magkaroon ng puwang para sa usaping otonomiya. At ngayong nagkaisa na ang mga lider at mambabatas ay huwag sanang magamit ang impluwensiya at posisyon upang maayos ang resulta ng plebisito. Sana bago pa man dumating ang proseso ng plebisito ay  maayos na ang gusot  at magkaroon ng tunay na pagkakaisa upang hindi naman masayang ang munting silip ng pag-asa tungo sa hinahangad na otonomiya ng Cordillera. PMCJR.