OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

Sa lalawigan ng Apayao, isang outreach program ang pinangunahan ng mga kapulisan na miyembro ng PSBRC Class 2015- 02 “PANABAK-MATAGILA” na naka-assign sa Apayao Police Provincial Office (PPO). Ayon sa Apayao PPO,
bilang bahagi ng kanilang ika-7 Taong Anibersaryo sa pagiging pulis, ang mga miyembro ng class ay naisipang mag-ambagambag upang makalikom ng pondo na kanilang gagamitin para sa kanilang outreach program.

Ang kanilang benepisyaryo ay ang Upper Maton Elementary School sa bayan ng Pudtol, Apayao na kung saan sila ay namahagi ng mga school supplies para sa mga mag-aaral na nasa Grade 1at Grade 2. Nagdonate din sila ng pera sa school upang magamit ng nasabing paaralan sa kanilang pagsasaayos ng mga silid bilang paghahanda sa nalalapit na face-to-face classes ng mga bata.

(PROCOR-PIO)

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon