OUTREACH PROGRAM NG CLASS 2019-02 GILAS DIWA SA BAYAN NG AGUINALDO, IFUGAO

Sa Ifugao, isa na namang Class ng PNP ang nagcelebrate ng kanilang Class Anniversary sa
pamamagitan ng pagtulong sa ating mga kababayan. Ayon sa Ifugao PPO, sa pagdiriwang ng kanilang ika-tatlong anibersaryo bilang mga alagad ng batas, ang PSBRC Class 2019-02 GILAS DIWA na naka-assign sa Ifugao at RMFB15 ay nagsagawa ng mga outreach activities sa bayan ng Aguinaldo, Ifugao.

Gamit ang nalikom na pera mula sa kanilang ambagan, ang mga miyembro ng nasabing class ay nakapagbigay tulong sa isang paaralan at sa isang pamilya na nasunogan ng bahay. Ang kanilang unang benepisyaryo ay ang Itab Integrated School na kung saan sila ay nagsagawa ng isang gift-giving activity.
Ang mga miyembro ng Class 2019-02 ay namigay ng mga school supplies at hygiene kits sa isang daan at tatlumpot-pitong mga bata sa nasabing paaralan.

Ang kanilang pangalawang benepisyaryo, ay ang pamilya ni Mr. and Mrs. Ronie Enlachang
na residente ng Brgy. Halag, Aguinaldo, Ifugao. Matatandaan na natupok ng sunog ang kanilang bahay noong Agosto 27, 2022, kung kayat hindi nagdalawang isip ang Class GILAS DIWA na maghandog ng sari-saring grocery items. Bukod sa bigas at mga groceries, nag-abot din ang mga kapulisan ng Php 10,000.00 bilang cash assistance na tulong para sa pagpapatayo nila sa kanilang bagong bahay. Ang Class 2019-02 ay naglalayong pagtibayin at ipagpatuloy ang layunin ng kanilang class name na GILAS DIWA o “Grown with Integrity and Leadership Aiming to Serve, Defend and Inculcate the Words of the Almighty”.

(PROCOR-PIO)

Pulis @ Ur Serbis

Amianan Balita Ngayon