OUTSTANDING WOMEN LEADER 2024, PINARANGALAN

BAGUIO CITY

Sa pagdiriwang ng Women’s Month, pinarangalan ng Outstanding Women Leaders Inc. (OWLs, ang napiling Outstanding Women Leader ng Baguio City sa ginanap na programa sa Malcom Square,noong Marso 8. Ang kinilala at pinarangalan ay si Dr. Rufina Abul, na naglaan ng tatlong dekada sa larangan ng akademya bilang guro, pinuno ng departamento, at coordinator para sa mga graduate programs at research sa Saint Louis University.

Isang alumna ng Bachelor of Science in Nursing sa SLU (1990) at isang graduate na Magna Cum Laude sa Master’s
Degree mula sa University of Santo Tomas, si Abul ay espesyalista sa mental health at psychiatric nursing. Bukod dito, aktibo siya sa crisis intervention, psychosocial processing, therapy, at pagtataguyod ng kamalayang pangkalusugan ng pag-iisip.

Kasama na ngayon si Abul sa mga pangunahing lider ng OWLs Inc., na kumakatawan sa mga natatanging babaeng lider ng Baguio City sa mga nagdaang taon. Ang paghahanap na ito, na isang taunang gawain sa Women’s Month ng OWLs Baguio City Inc. kasama ang pamahalaang lungsod, ay layong parangalan ang mga mahahalagang kontribusyon ng mga babaeng lider sa iba’t ibang sektor para sa kabuuang kaunlaran ng lungsod.

Amianan Balita Ngayon