P.U.S.O SERBISYO

Sa patuloy na pag-arangkada ng #LaUnionPROBINSYAnihan sa lalawigan, tuloytuloy ang P.U.S.O. Serbisyo ni Gov. Raphaelle Veronica Ortega-David kasabay ng kanyang pamamahagi ng higit 20 na tablets sa mga guro ng pampublikong paaralan sa Bayan ng Bacnotan, La Union.
Kinumusta ni Gov. Rafy ang mga guro at ibinahagi niya ang kanyang mga programa sa sektor ng edukasyon bilang isa sa kanyang mga prayoridad. Positibo naman ang pagtanggap ng mga guro sa kaniyang mga plano kasabay ng paghingi ng gobernador ng suporta mula sakanila upang makamit ang mga pangarap at hangarin tungo sa maunlad na Probinsya. Dumalo dito ang ina ng bayan na si Mayor Divine Fontanilla kasama si DepEd La Union Schools Division Superintendent Atty. Donato Balderas.
Photo by PGLU

Amianan Balita Ngayon