BAGUIO CITY
Iniulat ng City Treasurer Office ang 1.205 bilyon koleksyon mula sa tax collection sa loob lamang ng apat na buwan, mula Enero hanggang Abril 30 ngayong taon. Ito ay katumbas ng 44.19% ng itinakdang target na 2.7 bilyon para sa buong taon. Inilahad ito ni Fernando Ragma Jr., Assistant City Treasurer on Tax Collection sa ginanap na City Hall noong Mayo 29. Aniya sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya, patuloy na nagpapakita ng pag-usbong ang siyudad ng Baguio sa aspeto ng koleksyon ng buwis.
Ayon kay Ragma, sa loob lamang ng apat na buwan, nalampasan na ng lungsod ang kanilang target na halaga para
sa buong taon, na nagpapakita ng masigasig na pagganap sa koleksyon ng buwis. Idinitalye ni Ragma ang mga koleksyon, na mula sa Real Property Tax ay 110 milyon; Business Tax and Other Charges 300 milyon; Other Taxes 390 milyon; Fees and Charges 177 milyon; National Tax Allotment from the National Government 410 milyon; Share
mula sa PEZA 62 milyon; Manning Bank13 milyon; Miscellaneous Income: 25 milyon at Proceeds from Sales of Assets 15 milyon.
Bukod dito, nakalikom din ng mga sumusunod na halaga mula sa entrance fees sa mga pangunahing atraksyon ng
lungsod mula sa Botanical Garden- 29 milyon; Diplomat Hotel -1.6 milyon; Mines View at Transview-5.4 milyon;
Athletic Bowl- 1 milyon at Swimming Pool- 370,000. Ang kabuuang kita mula sa entrance fees ay umabot sa 37.4 milyon, samantalang sa aspeto naman ng mga parking fees ay nakalikom ang Botanical Garden at Diplomat Hotel ng
1.043 milyon. Noong nakaraang taon mula Enero hanggang Abril 2023, nakapagtala ang lungsod ng 1.074 bilyon sa buwis.
Sa taong ito, ang koleksyon ay umabot na sa 1.205 bilyon, na may katumbas na 12.27% pagtaas mula sa nakaraang taon. Ipinaliwanag ni Ragma ang Ilan sa mga dahilan kung bakit mas mataas ang koleksyon ng buwis ngayong taon ay ang pagbibigay ng 20% discount sa real property tax, na nagbigay-daan upang mas maraming tao ang magbayad
ng buwis. Bukod dito, iniiwasan ng mga negosyo ang mga multa sa naantalang pagbabayad ng buwis, kaya’t mas maagap silang nagbabayad. Isa pang malaking dahilan ay ang pagpapadali napagbayad gamit ang online payments, kung saan maaaring bayaran ang real property at business tax online, na lalong nagpasigla sa pagbayad ng buwis.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, patuloy na isinusulong ng Lungsod ng Baguio ang mas mabisang sistema ng koleksyon ng buwis na nagreresulta sa mas mataas na kita para sa lungsod.
Juannah Rae Basilio/UC-Intern
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024