P1.5 BILYON ILIGAL NA DROGA, NAKUMPISKA; 541 DRUG PUSHER NASAKOTE

Camp Dangwa, Benguet – Mahigit sa P1.5 bilyong halaga ng iligal na droga, kabilang na ang eradication at pagsunog sa marijuana plants ang
nakumpiska,samantalang 541 drug personalities ang nadakip mula sa pinaigiting na kampanya ng mga tauhan ng Police Regional Office- Cordillera sa nagdaang-taon 2021.
Base sa datos ng PROCOR’s Regional Operations Management Division, mula Enero 1,2021 hanggang Disyembre 2021 ay 621 ang naisagawang antiillegal drugs operations, na kinabibilangan ng buy-bust operations, raids, marijuana eradication, implementation of search warrants, service of warrants of arrest, checkpoints and interdiction operations, na nagresulta ng pagkakakumpiska ng illegal drugs na may kabuuang halagang P1,578,000,511.20.
Sa mga nabanggit na police operations ay nagresulta ng pagkakadakip sa 541 drug personalities. Ang Baguio City Police Office (BCPO) ang nakapagtala ng 242 drug persionalities na nadakip,sinundan ito ng Benguet Police Provincial Office (PPO) na 126 arrests; Kalinga PPO with 85 arrests, Mountain Province PPO with 42 arrests, Abra PPO with 39, Ifugao with 5 arrests at Apayao PPO with 2 arrests.
Sa marijuana eradication operations, may kabuuang 5,117,240 pieces of fully grown marijuana plants (FGMP) at 4,571,331.16 grams of dried marijuana plants ang binunot at sinunog mula sa nadiskubreng plantasyon sa lalawiagan ng Benguet, Kalinga at Mountain Province.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon