P1.6M na MJ bricks nasamsam, 2 pa natimbog sa droga

CAMP DANGWA, LA TRINIDAD, Benguet – Nakumpiska ng mga otoridad ng pinagsanib na pwersa ng Benguet Provincial Police Office at ng Philippine drug Enforcement Agency ang mahigit na P1.6 milyon na halaga ng marijuana bricks noong nakaraang Huwebes sa Dangwa Terminal na pinaniniwalaang kukunin ng receiver ang mga marijuana bricks upang dito ibenta.
Nabigo namang mahuli ng mga otoridad ang suspek na nag-iwan ng nasabing kontrabando sa nasabing lugar na kung saan ay hndi na kinuha ng pinaniniwalaang “pick up agent” ng mga tulak ng damo.
Ayon kay PDEA Agent Jerick Capuyan, ng PDEABaguio City “maaring hindi na kinuha ng kanilang pick up agent ang nasabing mga marijuana bricks sa pangambang siya ay mahuhuli ng mgaotoridad”.
Sa inisyal na imbestigasyon Nakita umano ng drayber ng van na galling pa sila sa Tabuk City na si Genaro Lamsis ng siyasatin niya ang mga kargamento na nasa topload ng van at doon nakita nito ang isang box na nahulog na kung saan ay lumitaw ang laman na may mga marijuana sa loob ng karton.
Pag dating sa Baguio City agad na inireport nito sa kapulisan ang nasabing kontrabando sa kanyang sasakyan na agad namang pinuntahan ng PDEA ang terminal ng Dangwa at dito nadiskubre ang laman na may 14 na marijuana bricks na tinatayang nagkakahalaga ng P1.6 milyon.
Naghintaypa ngilang oras ang mga otoridad kung darating ang kukuha sa nasabing karton ngaunit hindi nagpakita ang suspek. Samantala, nadakip namang Benguet police ang isa sa mga nasa listahan ng top ten na mga tulak ng ipinagbabawal na gamut, nasakote si Joseph de Vera Igama, 32 anyos ng Camp 7, Baguio City noong nakaraang Miyerkules sa Sumbrero, Ambuklao, Bokod, Benguet.
Sa report ni P/Col. Elmer Ragay, Benguet Provincial Director nagbenta ng shabu ang suspek sa di kilalalang mga pulis na nagkakahalaga ng P37,400. Nadakip din ng Baguio City Police isang suspek sa na si Joselito Saludares Martinez alias
“Hapon”, tubong Dingras, Ilocos Norte at naninirahan sa Lower Engineer’s Hill in Baguio City. Nadakip ang nasabing tulak ng shabu sa isang government agent sa Cosmopolitan Hotel sa kahabaan ng Naguillan Road.
Artemio A. Dumlao/ABN
 

Amianan Balita Ngayon