CAMP DANGWA, Benguet
Mahigit sa isang bilyong halaga ng shabu,marijuana ang nakumpiska, kasabay ang pagkakadakip ng 335 drug
personality sa serye ng mga operasyon na isinagawa sa Cordillera mula sa Enero 1 hanggang Disyembre 31. Sa datos ng Regional Operations Division ng Police Regional Office-Cordillera, may kabuuang 974 na anti-illegal drug operations, kabilang ang buy-bust operations, marijuana eradications, police response, implementasyon ng search
warrants, service of warrants of arrest, checkpoints, at interdiction operations ang naisagawa ng kapulisan sa iba’t
ibang lalawigan at siyudad sa rehiyon.
Ayon kay Brig.Gen. David Peredo,Jr., regional director, ang mga pagsisikap na ito ay nagresulta sa pagkakasamsam ng 6,292,634 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants, 4,824,319.86 gramo ng pinatuyong marijuana, 145,558
piraso ng marijuana seedlings, 647.78 ml ng marijuana oil, 7.00 gramo ng kabuuang halaga ng marijuana, at 71,04 gramo ng shabu na may kabuuang halaga. P1,850,799,191.55. Bukod dito, may kabuuang 335 na drug personalities ang naaresto, kung saan ang Baguio City Police Office ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 114 indibidwal, sinundan ng Kalinga Police Provincial Office na may 84 arestado; Benguet PPO na may 76 arestado; Abra PPO na may 29 arestado; Apayao PPO na may 14 arestado; Mountain Province PPO na may 10 arestado, at Ifugao PPO na may 8 arestado.
Ayon kay Peredo, sa 335 drug personalities na naaresto ay 168 ang kinilala bilang High Value Individuals at 167 ang kinilala bilang Street Level Individuals. Bukod sa operational accomplishments, sa patuloy na community engagement, tatlong Persons Who Used Drugs (PWUDs) ang hinikayat na sumuko ng kusang-loob at sumailalim sa Community-Based Recovery and Wellness Program (RWP), habang 112 PWUDs ang naitala sa matagumpay na nakumpleto ang kanilang community based na RWP.
Zaldy Comanda/ABN
January 4, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025