BAGUIO CITY
Nasakote ang isang high value drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng National Bureau of Investigation-Cordillera na nakuhanan ng P1,020,000 halaga ng shabu sa Kilometer 3, Asin Road, Baguio City noong Agosto 23. Kinilala ang mga naaresto na si Yasser Rangaig Pangadapon,20, residente ng Barangay San Roque, Baguio City at nakalista bilang High Value Individual (HVI).
Ito na ang maituturing na pinakamalaking bulk ng shabu na narekober mula sa buy-bust operation sa kasalukuyan. Sinabi ni NBI Arresting Officer Agent 3 Nielbert Pisec, dapat ay magsasagawa sila ng buy-bust operation laban sa isang nagngangalang Hassanal Diampuan Kiram, subalit sa panahon ng transaksyon, dumating bigla si Pangadon at nakipag-transaksyon sa mga operatiba na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.
Narekober ng mga operatiba, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera mula sa
suspek ang isang heat sealed at isang knot tied plastic sachet na naglalaman ng mga puting substance na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 150 gramo na nagkakahalaga ng P1,020,000; P240,000 buy-bust money at NMAX motorcycle na may plate number na B818ID.
Ayon sa imbestigasyon, sinimulan nang imbestigahan ang suspek noong Pebrero at sunod-sunod na test-buy ang ginawa para lamang kumbinsihin siyang magbigay ng malaking halaga para sa
susunod na transaksyon.
TFP/ABN
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024