P11-M ILIGAL NA DROGA NASAMSAM, 9 DRUG PUSHER NATIKLO

CAMP DANGWA, Benguet

Nasamsam ng Cordillera cops ang P11.7 milyong halaga ng iligal na droga at naaresto ang siyam na tulak ng droga, sa isang linggong operasyon na isinagawa mula Mayo 13 hanggang 19. Sinabi ni Brig.Gen.David Peredo Jr., regional director, ang siyam na nahuli na mga suspek ay nakuhanan ng pinagsamang kabuuang 46.01 gramo ng hinihinalang shabu, na may kabuuang Standard Drug Price na P312,868.00. Ibinunyag sa parehong mga ulat na inaresto ng
Benguet Police Provincial Office (PPO) ang lima sa mga drug personality, dalawa ang inaresto ng Baguio City Police
Office, at tig-isang arestado ang Abra PPO at Kalinga PPO.

Sa mga naarestong suspek, pito ang kinilala bilang HighValue Individuals, at dalawa ang kinilala bilang Street-Level
Individuals. Lahat ay mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sa parehong linggo, limang operasyon ng marijuana eradication ang hiwalay na isinagawa sa mga lalawigan ng Benguet at Kalinga. Ang mga operasyong ito ay nagresulta sa pagkadiskubre ng 56,125 fully grown marijuana
plant at 2,000 gramo ng dried marijuana with fruiting tops na may kabuuang SDP na P11,465,000.00.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon