P15-M marijuna plantation, sinunog sa Kalinga

LUNGSOD NG BAGUIO – Sinalakay ng magkakasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula Cordillera at Region 1, sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Philippine Army, ang isang plantasyon ng marijuana sa Tinglayan, Kalinga.
Nabatid kay PDEA-Cordillera Information Officer Joseph Calulut, ang anti-drug campaign ng ahensya ay nagresulta sa pagsira sa may 74,452 piraso ng fully-grown marijuana plants, na nakatanim sa may 13,057 square meters na lupain sa mga sitio ng Talin at Pugo sa Tulgao West, Tinglayan, Kalinga, noong Oktubre 27.
Tinatayang umaabot sa halagang P15,310,000 ang sinunog sa mismong lugar, subalit walang nadakip na may-ari o cultivator.
Ayon kay Calulut, ang operasyon ay mahigpit na ipinatupad sa ilalim ng Oplan Chill makaraang inindorso ng House Committee on Health ang House Bill Number 180 o ang proposed Philippine Compassionate Medical Cannabis Act, na nagsasaad ng planong legalization at regulation na gamitin ang marijuana bilang medisina. ZALDY COMANDA / ABN

Amianan Balita Ngayon