P150K REWARD INILAAN PARA MADAKIP ANG SUSPEK NA PUMATAY SA PULIS SA ILOCOS NORTE

DINGRAS,Ilocos Norte –Inilaan ang halagang P150,000 reward sa sinumang makakapag-bigay ng
impormasyon na matukoy ang suspek na pumatay sa biktimang si SSg Jackson Raymundo noong Oktubre 13. Ang mga pamilya,kamaganak at mga kaibigan ni Raymundo ay nag-ambag ambagan at kasabay ang paghingi ng tulong sa nakasaksi para sa agarang pagkalutas ng krimen at mabigyan ng hustisya ang pamilya ng biktima.

Matatandaan noong madaling araw ng Oktubre 13, si Raymundo na nakatalaga sa Dingras Municipal Police Station ay pinagbabaril hanggang sa mapatay sa Barangay Saludares, Dingras Ilocos Norte.
Inilagay ang biktima sa loob ng compartment ng kanyang sasakyan na tadtad din ng bala at itinapon sa irigasyon sa Barangay Cali, Dingras Ilocos Norte.

Ang brutal na pagpatay sa biktima ay labis na kinondena ng municipal government at Ilocos Norte Provincial Police, na naging priridad ang masusing imbestgasyon at pabawagan sa publiko na tumulong para sa ikakulutas ng kaso. Malaki ang paniwala ng INPPO na ang komunidad ay isang makapangyarihang kaalyado sa mandato nitong pagsilbihan at protektahan ang mamamayan. Sa talang ito, ang INPPO, kasama ang pamilya, kamag-anak at kaibigan ni PSSg Raymundo Tinitiyak din ng pulisya na magiging confidential sa taong magbibigay ng impormasyon at ang kanyang seguridad ay kanilang magiging pangunahing priyoridad.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon