CAMP DANGWA, Benguet
Iniulat ng Police Regional OfficeCordillera ang pagkakasamsam ng iligal na droga na umaabot sa halagang P191,490,495.60 at pagkaka-aresto ng 33 drug pusher mula sa 88 operation noong Abril 1 hanggang 30. Batay sa datos ng Regional Operations Division, mula sa 88 operasyon na isinagawa, 53 ang marijuana eradication, 24 ang
buy-bust, anim ang pagpapatupad ng search warrants, tatlo ang service of warrants of arrest, isang police response, at isa sa checkpoint.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 33 drug personalities, kung saan 19 ang nakilala bilang High Value Individuals at 14 ang nakalista bilang Street Level Individuals. Bukod dito, sa magkakahiwalay na operasyon, nakumpiska ng mga operatiba ang kabuuang 109.30 gramo ng shabu; 473, 396 piraso ng fully grown marijuana plants; 480 piraso ng mga punla ng marijuana; 549,337.56 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga namumungang tuktok; 251,000.00 gramo ng pinatuyong tangkay ng marijuana; at 240 ml ng marijuana oil na may kabuuang halaga ng Dangerous Drug Board (DDB) na P191,490,495.60.
Ang mga tagumpay na ito ay sumasalamin sa walang tigil na pagsisikap ng PRO Cordillera na labanan ang paglaganap ng ilegal na droga sa rehiyon at ang kanilang matatag na pangako sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng komunidad.
ZC/ABN
September 28, 2024
September 28, 2024
September 28, 2024
September 28, 2024
September 28, 2024
September 28, 2024