P2.1-M tulong sa kabuhayan natanggap ng mga Pangasinense

LINGAYEN, PANGASINAN – Humigit-kumulang 459 benipisyaryo at isang Micro, Small and Medium Enterprise (MSME) sa Pangasinan ang nakatanggap ng P2.1 milyong loan grant mula sa pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng livelihood assistance program noong Marso 26, 2018.
Sa talumpati ni Governor Amado Espino III sa naganap na pamamahagi, hinimok niya ang mga benepisyaryo na gamiting mabuti ang inutang na halaga upang magtagumpay sa kanilang pakikipagsapalaran sa livelihood.
“In this manner, we could help you uplift your economic status,” ani Espino.
Ang ikalawang pangkat ng livelihood assistance beneficiaries ngayong taon ay mga miyembro ng 15 grupo na pinangalanan ng Pangasinan Provincial Information Office (PIO). Ito ay ang: Palakipak 555 Farmers Irrigators’ Association Inc. (Rosales); San Pablo United Farmers’ Cooperative (Binalonan); Camaley Fisherfolks Association (Binmaley); Bogtong Bolo KALIPI Association (Mangatarem); Calomboyan Sur KALIPI Association (Mangatarem); Maravilla St. KALIPI Association (Mangatarem); Centro Toma KALIPI (Bani); Hundred Islands Souvenir Vendors Association (Alaminos City); Luyan Mapandan Farmers’ Association, Inc. (Mapandan); D’ Enforcers Multi-Purpose Cooperative (Urdaneta City); Farmers of Buenlag Bugallon Association, Inc. (Bugallon); Gueset Golden Harvest Farmers’ Association, Inc. (Bugallon; Dalongue IA Credit Cooperative (Sta. Barbara); Capitan Tomas Multi-Purpose Cooperative (Rosales); at Ataynan Farmers Association (Bayambang).
“Meanwhile, the lone MSME beneficiary in the second batch is Naynay’s Pigar Pigar and Tapsilogan (Calasiao),” sabi ng PIO.
Simula nang mailunsad ang programa noong 2008, ang pamahalaang panlalawigan ay namahagi ng P102.937 milyon mula sa pondo ng probinsiya, na nailabas sa 54 pangkat ng LAP beneficiaries.
Inilunsad noong Oktubre 13, 2008, 711 grupo (asosasyon at kooperatiba) na ang nakinabang sa programa na may 24,805 na mga miyembro; 78 MSMEs; at 21 grupo sa ilalim ng goat production project na may 293 mga miyembro. H.AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon