CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO
Nakapuntos ang Police Regional Office 1 sa malawakang kampanya nito laban sa ilegal na droga
kasunod ng pagkasira ng P2.1 milyong halaga ng marijuana plants sa Sitio Nakawa, Barangay Lon-oy San Gabriel, La Union,noong Nobyembre 7. Batay sa ulat, apat na marijuana eradication ang
isinagawa ng magkasanib na tauhan ng La Union Provincial Drug Enforcement Unit (lead unit), La Union Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 1, 1st LUPMFC, San Gabriel MPS at PDEA RO1 RSET sa Sitio Nakawa, Barangay Lon-oy, San Gabriel, La Union na nagresulta sa pagbunot at pagkasira ng 8,500 piraso ng fully grown marijuana plants; 10,500 marijuana seedlings mula sa may 1,950 metro kuwadrado lupain, na may kabuuang halagang P2,120,000.00.
Pinuri naman ni Brig.Gen.John Chua, regional director, ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na accomplishment laban sa ilegal na droga.
ZC/ABN
November 11, 2023
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025