P2.5M marijuana plants, nadiskubre sa Ilocos Sur

CAMP BGEN OSCAR FLORENDO, La Union— Nakaiskor ang magkasanib na puwersa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ng P2,500,000 na halaga ng tanim na marijuana sa boundary ng Ilocos Sur at Benguet.
Nabatid kay Police Regional Office-1 regional director Romulo Emocling Sapitula na nilusob ng mga operatiba ng Sugpon Police Station, Ilocos Sur Provincial Intelligence Board, Ilocos Sur
Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division PRO1, 2ND Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company at PDEA RO1, ang Sitio Nagawa sa Barangay Caoayan ng Sugpon, Ilocos Sur at ang Mt. Pantoc ng Sitio Bekkes sa Kibungan, Benguet sa isinagawang Anti-Illegal Drug Campaign.
Pinagbubunot at sinunog sa mismong lugar ng mga operatiba ang 6,700 na fully grown marijuana plants pati na ang 10 kilograms na dried marijuana na planted sa may 1,950 square meters land area.
Ayon kay Sapitula, nakilala ng mga raiding team ang cultivator na si Eleo Awas, ng Sitio Bekkes, Brgy Takadang, Kibungan, Benguet, subalit mabilis itong nakatakbo habang papalapit ang pulisya sa lugar.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon