P20 kada residente, sisingilin dagdag sa honoraria ng tanod

Mar 17, 2018

Inaprubahan ng konseho ng Baguio sa unang pagbasa ang mungkahing ordinansa na humihiling ng koleksiyon ng P20 sa bawat residente sa lahat ng 128 barangays ng lungsod na upang madagdagan ang maliit na buwanang honoraria ng barangay tanods.
Ang ordinansa na iniakda ni Councilor Francisco Roberto A. Ortega VI ay nagsasaad na ito ay para gamitin ng mga barangay tanod upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mamamayang nakatira sa 128 barangay ng lungsod.
Sa ilalim ng probisyon ng lokal na panukalang batas, bawat residente ay kinakailangang magbayad o mag-ambag ng P20 bawat buwan sa kanilang barangay at ang buong kontribusyong nakolekta bawat buwan ay gagamiting pondo para sa honoraria ng mga tanod ng barangay.
Kapag makumpleto ang koleksiyon ng bayad, idinagdag ng ordinansa na ang purok leader o barangay kagawad ay magsusumite ng kabuuang kontribusyon sa punong barangay na may presensya ng mga miyembro ng konseho ng barangay at station commander sa kanilang distrito upang tumayo bilang mga saksi para sa paglilipat ng nakolektang halaga.
Ang mga residente mula sa mga subdibisyon ay exempted mula sa pagkolekta ng nasabing bayad. Isinasaalang-alang na sila ay karaniwang nagbabayad para sa kanilang sariling mga guwardiya at nililimitahan nila ang pagpasok ng mga tagalabas sa kanilang mga subdivision maliban kung ang naninirahan sa mga may-ari ng bahay o anumang nararapat na awtorisadong kinatawan ay humiling ng patrol sa gabi ng mga tanod sa kanilang subdibisyon.
Binigyang-diin sa ordinansa na ang tungkulin at gawain ng mga barangay tanod ay ang pagsasagawa ng patrolya sa gabi mula 9pm-5am; upang masiguro na ang mga tanod ay may tamang pahinga at magiging mahusay sa kanilang nakatakdang gawain, hahatiin sila sa dalawang shifts; magpatupad ng batas kaugnay sa proteksiyon ng buhay at pag-aari sa kanilang barangay; makipag-ugnayan sa barangay council at police authorities sa kampanya kontra sa lahat ng uri ng krimen; imonitor ang presensiya ng kahina-hinalang tao at illegal na aktibidad at iulat sa tamang otoridad at magsagawa ng kanilang gawain na naaayon sa batas.
Itinakda sa ordinansa na ang mga barangay tanod ay kinakailangang napili ng mga purok leaders at ang pulong ay dapat itakda sa harap ng mga residente ng purok kung saan doon ang nominasyon para sa barangay tanod.
Ang mga interesadong nominees ay kinakailangang magsumite ng kanilang biodata, police o National Bureau of Investigation (NBI) clearance sa purok leader para sa screening at final selection.
Ang mga napiling barangay tanod sa bawat barangay ng lungsod ay itatalaga para sa tatlong taon at maaaring i-renew maliban kung binawi nang mas maaga sa balidong dahilan tulad ng paglabag sa batas, partikular ang paggawa ng krimen na may kinalaman sa moral turpitude, labis na kapabayaan ng tungkulin, mga isyu sa kalusugan, at iba pang mga dahilan na tinutukoy ng konseho ng barangay at boluntaryong pagbibitiw. Baguio PIO / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest