P21.5-M marijuana sa Benguet, Kalinga sinira ng pulis

Provincial

LUNGSOD NG BAGUIO – Ipinagpapatuloy ng mga personnel ng police sa Cordillera ang pagputol sa posibleng suplay ng marijuana sa pagbunot ng mga tanim at pagsira sa mga ito. Sinabi ni Capt. Marnie Abellanida, Police Regional Office Coedillera (PROCOR) information officer noong Miyerkoles na may kabuuang PhP21.5 milyon halaga ng marijuana ang sinira mula Pebrero 6 hanggang 16.

Sinabi niya na ang marijuana eradication operations ay isinagawa sa Benguet at kalinga. Sa bayan ng Bakun, Benguet, binunot ng mga operatiba ng Benguet provincial police office at sinunog ang humigit-kumulang 91,500 piraso ng fully grown marijuana plants na may kabuuang estimated Standard Drug Price (SDP) na PhP18.3 milyon.

Sa Kibungan ay nasa 7,070 piraso ng fully-grown marijuana plants, 1,050 piraso ng marijuana seedlings, at tatlong kilo ng dried marijuana stalks na may kabuuang estimated SDP value na PhP1.82 milyon ang sinira ng mga awtoridad sa lugar ng plantasyon.

Sa Kalinga naman ay binunot din ng mga operatiba ng provincial police ang humigit kumulang 7,400 piraso ng fully-grown marijuana plants na may kabuuang estimated SDP ng PhP1.48 milyon.

(LA-PNA/PMCJr.-ABN)