TABUK CITY, Kalinga
Mahigit sa P23 milyong halaga ng marijuana bricks ang nasamsam na ikinadakip ng tatlong suspek sa isinagawang interdiction operation ng magkakasanib na units ng pulisya sa may harapan ng restaurant sa Purok 5, Bulanao, Tabuk City, Kalinga, gabi ng Setyembre 27. Kinilala ang mga dinakip na suspek na sina Paul Andrei Galvez, 29, ng B5 L39 Nimitz, Mac Arthur, Vill Longos, Malolos, Bulacan; Kennedy Mensah, 21,construction worker na tubong Guiguinto, Bulacan at residente ng Buscalan, Tinglayan at Francis Baydon, 25, farmer and a native Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
Ayon sa report, agad nagsagawa ng interdiction operation ang mga tauhan ng Tabuk City Police Station (lead unit), matapos makatanggap ng impormasyon ang tauhan ng 2nd Coy Kalinga Provincial Mobile Force Company na isang asul na Haima na may plate number na CBT 8410 ang naghatid ng mga MJ brick mula sa Tinglayan, Kalinga sa
nasabing lugar. Narekober ng pulisya sa loob ng sasakyan ang 192 pirasong pinatuyong dahon ng marijuana in brick form na selyadong may transparent na plastic na tumitimbang ng 192 kilos at may Standard Drug Price na P23,040,000.00.
Kinumpiska din ng mpulisya ang Isang HAIMA MPV na kulay clear sky blue na may plate number na CBT 8410, na minamaneho ni Galvez; isang Yamaha 155 motorcycle color black bearing engine number G3M5E-070166; Isang Honda XR 150 na motorsiklo na kulay black bearing chassis number KRHV0064759 at mga cellphone na ginamit sa transaksyon. Isinagawa ang on-site inventory sa presensya ng naaresto na suspek na nasaksihan ng DOJ representative Ms. Kel Jane Dalipog, media representative at barangay Kagawad Garry P. Licaycay at kagawad Edwin Hidalgo ng Brgy Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.
Zaldy Comanda/ABN
October 5, 2024
October 5, 2024
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025