Nakakatindig balahibo ang binalak tapalan ng P25M si dating Abra governor Eustaquio “Takit” Bersamin upang i-withdraw ang kanyang kandidatura bilang nagbabalik na Gobernador. Mismong and dating opisyal sa probinsyang tila nananatiling nababalot ng nakaririnding – guns, goons at gold – ang nagkumpirmang may lumapit sa kanyang kapitan bilang sugo ng makakalabang pulitiko upang “aregluhin” na ang eleksyon.
Kung nagsasabi ng totoo ang dating Gobernador, walang mangyayaring aregluhan. Ipinangakong hinding-hindi niya ipagpapalit ang integridad at pagmamahal sa probinsya sa maliliit man or malaking halaga lalo na daw kung ito’y galing sa nakaw na yaman.
Sambit daw ni Bersamin na hindi lahat ng tao ay mabibili. Aminado ang dating Gobernador na binabagabag ng nasabing pinapakalat na
“withdrawal” o “aregluhan” ang mga nagnanais ng wagas na pagbabago sa Abra. Natural na malaking epekto ang napapakalat na bali-balita sa kaisipan ng mga mulat sa kinakailangang pagbuwag sa kabulukan sa probinsya.
Ngunit ang higit na nakakabahala’y, ang maaring pagbaling mula sa usaping aregluhan sa pamamagitan ng pera tungo sa karahasan habang papalapit na ang Mayo 2022.
Hindi bago ang karahasan sa Abra lalo na sa panahon ng matinding tunggalian sa eleksyon. Kahit ang pulisya’y aminadong ang probinsya ay binabantayan pa rin dahil sa matagal na nakaraan nito sa election-related violence at warlordismo.
Marahil nabawasan sa mga nakaraang eleksyon ang matinding tunggalian, ngunit malaki ang posibilidad na manumbalik ang “guns, goons and gold” bago pa man mag umpisa ang kampanya.
Kailan kaya mabubura ang ganitong sistema? May pag-asa pa ba Abra? Para sa suhestiyon: [email protected]
January 9, 2022
January 9, 2022
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024