LA TRINIDAD, Benguet
Umabot na sa P4,196,192,365.12 halaga ng illegal drugs ang nakumpiska sa mas pina-igting na drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa loob lamang ng siyam na
buwan mula Enero hanggang Setyembre 2023,kumpara sa P1 bilyon noong taong 2022 sa magkaparehong period. Inamin ni PDEA Regional Information Officer Rosel Sarmiento, na totoong mababa ang nagging accomplishment sa drug operation noong nakaraang taon. “ Last year kasi
medyo pandemic pa at ngayon taon lang sila nakabwelo, kaya sinabayan natin sila sa mga operation.”
Sa nasabing period, ay kabuuang 255 drug operation ng PDEA sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon na kinabibilangan ng 39 sa buybust; 23 sa search warrant implementation; 35 marijuana eradication; 127 sa checkpoints/couriers,terminals sa pamamagitang K9 inspections; 25 jail facilities K9 inspections; 5 interdiction at isa sa warrant of arrest, May kabuuang 49 drug
personalities ang nadakip sa mga drug operations at nasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165. Sa mga illegal drugs, may kabuuang 575837.3888 gramo ng shabu na may halagang
P3,915,694,243.84 ang nakumpiska, samantalang sa marijuana eradication ay may kabuuang P244,486,800.00 halaga ng marijuana plants ang sinunog.
May kabuuang 115493.72 kilos ng marijuana bricks ang nakumpiska na may halagang P13,859,246.40; Liquidshabu,P706,724; Marijuana dried leaves-P5,716,620.74; Marijuana fruiting topsP1,730.14; Marijuana seedlingP1,200,000 at marijuana oil7,000. Ayon kay PDEA Regional
Director Julius Paderes, ang mga shabu na natapos ng ipresinta sa korte ay agad nila itong tinutunaw sa isang planta sa Bacnotan,La Union, kabilang ang pagsunog sa mga marijuana bricks,samantalang sa mga marijuana plants ay agad na sinunog sa lugar.
TFP/ABN
September 30, 2023
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024