CAMP DANGWA, Benguet
Nakasamsam ang Police regional Office-Cordillera ng P4,624,524,186.84 halaga ng illegal drugs, kasabay ang pagkakadakip sa 341 drug personalities sa pinaigting na anti-illegal drugs campaign sa
rehiyon noong taong 2023. Sinabi ni Brig.Gen.David Peredo,Jr.,regional director, base sa record mula sa Regional Operations Division, may kabuuang 581 anti-illegal drug operations, kabilang ang buybust operations, marijuana eradication, police response, pagpapatupad ng search warrants, serbisyo ng warrant of arrest, checkpoints at interdiction operations, ang isinagawa mula Enero 1, 2023 hanggang Disyembre 31, 2023.
Ang mga operasyong ito ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 341 drug personalities, kung saan ang Baguio City Police Office ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may 133, na
sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may 75 na arestado, Kalinga PPO na may 53 na arestado, Abra PPO na may 31 arestado, Mountain Province PPO na may 25 arestado, Ifugao PPO na 17 arestado, at Apayao PPO na 7 arestado. Aniya, bilang resulta ng tuluy-tuloy na operasyon ng pagpuksa ng marijuana, may kabuuang 2,121,611 piraso ng Fully-Grown Marijuana Plants (FGMP) at 2,371,211.11 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, tangkay, at mga namumunga na pawang
nabunot at nasunog sa mga lalawigan ng Benguet, Kalinga, Mountain Province at Ifugao.
Bukod sa operational accomplishments, sa patuloy na community engagement ng PRO Cordillera cops, 12 Persons Who Used Drugs (PWUDs) ang hinikayat na sumuko ng kusang loob at sumailalim sa CommunityBased Recovery and Wellness Program (RWP). May kabuuang 155
PWUD ang nakakumpleto ng kanilang community-based RWP.
ZC/ABN
January 12, 2024
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025