P42 milyong halaga ng marijuana sinunog sa Kalinga

CAMP DANGWA, LA TRINIDAD, Benguet —Umabot sa P42 milyon ang halaga ng sinunog na marijuana mula sa dalawang plantasyon na natagpuan sa liblib na barangay ng Loccong sa bayan ng Tinglayan sa lalawigan ng kalinga ng mga otoridad noong nakaraang Miyerkules ng hapon.
Ganun pa man, wala pa ring nahuling magsasaka ng marijuana sa nasabing operasyon ng mga pulis na pinagsanib na pwersa ng kalinga Provincial Police Office, Philippine drug Enforcement Agency (PDEACAR) Ilocos at Cagayan Pulis at ng Intelligence Division ng PRO-COR sa nasabing operasyon.
Ayon sa pulis report sinalakay umano ng mga operatiba ang isang site na may lawak na 3,000 suare meter na may tanim na 60,000 fully grown marijuana na nagkakahalaga umano ng P12 milyon.
Ang pangalawang lokasyon naman na may lawak na 5,000 na may tanim na 150,000 na marijuana na nagkakahalaga ng P30 milyon na ang kabuuan ay umabot sa P42 milyon ang halaga ng sinunog at sinirang tanim na marijuana.
Sinabi naman ni Brg.Gen. R’win Pagkalinawan regional director ng PRO-COR na nagging matagumpay pa rin ang operasyon laban sa ipinagbabawal na tanim sakabila na walang nahuling cultivator ang mga operatiba dahil sa milyong halaga naman ng mga tanim na marijuana ang kanilang nasira na siyangpinagmumulan ng pagtitinda ng mga tao sa nasabing bawal na tanim na marijuana.
Nagbabala rin ang nasabing heneral na patuloy silang magsasagawa ng “marijuana eradication” sa mga bayan na talamak ang taniman ng marijuana hanggang samawala na ito ng tuluyan.
Ace Alegre

Amianan Balita Ngayon