P5.1-M MARIJUANA, SHABU, NASAMSAM SA CORDILLERA

LA TRINIDAD, Benguet

Bilang bahagi ng walang patid na anti-illegal drugs campaign ng Police Regional Office Cordillera Administrative
Region (PRO CAR), isang high value drug personality ang naaresto at mahigit P5.1M halaga ng iligal na droga ang
nasamsam sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa mga lalawigan ng Abra at Benguet noong Pebrero 10.

Sa Abra, arestado ang isang 52-anyos na lalaki, na nakalista bilang High Value Individual, at limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 2.40 gramo na may Standard Drug Price Presyo na
P16,320.00 ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na mga operatiba ng Bangued Municipal Police Station (MPS) Intelligence Unit ng Provincial Police Station (MPS) Abra Police Provincial Office (PPO),
Regional Intelligence Division ng PRO CAR, Regional Intelligence Unit 14, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Lubong, Bangued.

Sa Benguet, sunod-sunod na operasyon ng pagtanggal ng marijuana ang nadiskubre sa walong plantasyon ng
marijuana na may 7,500 Fully Grown Marijuana Plants at 30,000.00 gramo ng tuyong tangkay, dahon, at mga
namumunga na may kabuuang SDP na P5,100,000.00 sa Barangay Tacadang, Kibungan at Barangay Kayapa, Bakun ng pinagsanib na pwersa ng Kibungan MPS, Bakun MPS, PDEU at PIU ng Benguet PPO, at PDEA-CAR.

Ang lahat ng natuklasang halaman ng marijuana ay lubusang naidokumento, binunot, at sinunog sa lugar na may sapat na mga sample na nakolekta para isumite sa Regional Forensic Unit-CAR. Bukod pa rito, ang mga operatiba ay aktibong nagsasagawa ng karagdagang pagsisiyasat upang matukoy ang iba pang mga potensyal na lugar ng pagtatanim ng marijuana sa mga kalapit na lugar at upang mahuli ang mga indibidwal na sangkot sa mga aktibidad na ito.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon