CAMP DANGWA Benguet
Nasamsam ng mga pulis ng Cordillera ang kabuuang P5,092,292 halaga ng iligal na droga at naaresto ang limang tulak ng droga sa isang linggong operasyon na isinagawa mula Hunyo 3-9. Mula sa ulat ng Regional Operations Division, sa limang naarestong drug personalities, dalawa ang nahuli sa pamamagitan ng pagpapatupad ng search warrant sa Kalinga at Apayao, isa ang nahuli mula sa checkpoint sa Kalinga, isa mula sa police response sa Mountain Province, at isa sa pamamagitan ng serbisyo ng warrant of arrest sa Baguio City.
Mula sa mga operasyong ito, nakumpiska ang kabuuang 12.69 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P86,292.00. Sa kaparehong mga ulat, sinabing sa mga suspek, apat ang kinilala bilang Streel Level Individuals at isa naman ang High Value Individual, na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa hiwalay na operasyon ng pagpuksa ng marijuana, natuklasan ng mga operatiba ang 6,100 piraso ng fully grown
marijuana plants at 7,650 piraso ng marijuana seedlings na may kabuuang SDP na Php1,526,000.00 mula sa plantation sites na natagpuan sa Kibungan at Bakun, Benguet, habang may kabuuang 29,000 grams ng dried marijuana, na may halagang P3,480,000.00 ang narekober ng mga operatiba na nagsasagawa ng mobile patrol kahabaan ng Lamut Road sa Shilan, La Trinidad, Benguet.
Zaldy Comanda/ABN
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024