P56.7-M DROGA NASAMSAM, 8 DRUG PUSHER TIKLO SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Mahigit sa P56 miyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng pulisya, kasabay ang pagkakahuli sa walong drug
pusher sa isinagawang sunod-sunod na operasyon noong Oktubre 14-20. Nabatid na ang Police Regional Office-Cordillera ay nagsagawa ng 53 anti-drug operations sa mga probinsya ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, at Baguio City. Ang mga operasyong ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng 229,873 Fully Grown Marijuana Plants, 25,600 Marijuana Seedlings, 80,000 gramo ng tuyong dahon ng marijuana at fruiting tops,
tatlong mililitro ng marijuana oil, at 23.11 gramo ng hinihinalang shabu, lahat ay may kabuuang tinatayang halaga na P56,719,558.00.

Bukod pa rito, sa walong naarestong drug suspect, tatlo ang nakilala bilang High Value Individuals, habang lima ang
Street Level Individuals. Ang pinakakilalang operasyon ay naganap sa Kalinga, kung saan nasabat ng pulisya ang iligal na droga na nagkakahalaga ng P36,767,110.00 na sinundan ng Mountain Province na may P14,597,400 na nakumpiskang droga, at Benguet na may P5,355,048 milyong halaga ng iligal na droga na napuksa ng Cabalyero police. Binibigyang-diin ng mga tagumpay na ito ang hindi natitinag na pangako ng PRO-CAR na labanan ang ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon