CAMP DANGWA,
Benguet
May kabuuang P6,463,399,869 halaga ng mga illegal drugs ang nakumpiska,samantalang 786 drug personalities ang nadakip sa mga operational at administrative accomplishments ng Police Regional Office-Cordillera sa ilalim ng “Bagong Pilipinas Administration” mula Hunyo 30, 2022, hanggang Hulyo 31, 2024. Ipinahayag ni Col. Froilan Lopez, chief ng Regional Operations Division, sa naganap na Kapihan sa Bagong Pilipinas, na ang mga kapulisan ay nakapagsagawa ng 1,402 anti-illegal drug operations sa iba’t ibang lalawigan ay nakumpiska ng 576,154.80 gramo ng shabu; 89.40 ml liquid shabu; 8,495,882 pcs. of MJ plants; 84,384 pcs MJ Seedlings; 7,018.54 kgs of dried MJ leaves/stalks fruiting tops; 729.22 ml MJ oil; 1,502.36 grams MJ seeds, na may kabuuang halagang P6,463,399,869.60.
Sa mga nadakip na 786 drug personalities ay kinabibilangan ng 350 High Value Individual at 436 Street Level Individual. Sa ginanap na open forum, ipinahayag ni Brig.Gen. David Peredo,Jr., regional director, na natugunan ng PRO-CAR ang mga programa at tagumpay laban sa iligal na droga at patuloy ang operasyon laban dito, maging sa mga drug personalities. Ayon kay Peredo, natugunan din ang mga isyu at alalahanin sa panahon ng kanyang panunungkulan at naihatid ang mga programa at proyekto sa komunidad.
Aniya, bilang pananatili sa bansag sa Cordillera na “Home of the Most Disciplined Cops”, ang disiplina ay patuloy na
nakatutok sa mga kapulisan at binigyan ng mga disciplinary actions ang lumalabag sa karapatan ng mga mamamayan. ” Mandato ng PRO-CAR na pangalagaan at panatilihin ang kapayapaan at katahimikan ng Cordillera. Para magawa natin ang mga programa at makamit ang tagumpay,tungo sa pag-unlad ay malaking sandata ang ating
pagkakaisa at tulong-tulong na sugpuin ang kriminalidad sa ating lipunan,”pahayag pa ni Peredo.
Zaldy Comanda/ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024