CAMP DANGWA, Benguet
Upang mabawasan ang paggamit at supply ng iligal na droga sa rehiyon, naglunsad ang Police Regional OfficeCordillera ng sabay-sabay na anti-illegal drugs operations na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mahigit P64.9 milyong halaga ng marijuana plants na nadiskubre sa lalawigan ng Kalinga at Benguet mula Mayo 28 hanggang Hunyo 3. Nasamsam din ng PROCOR ang P61,000 halaga ng shabu at pinatuyong fruiting tops ng marijuana mula sa naarestong suspek sa parehong
panahon.
Sa mga rekord mula sa Regional Operations Division, ang mga operasyon marijuana eradication na isinagawa sa mga lalawigan ng Kalinga at Benguet ay nag-resulta sa pagkaka-diskubre ng kabuuang
150,620 piraso ng fully-grown marijuana plants (FGMJP) at 290,000 gramo ng mga tangkay ng marijuana, na may kabuuang Standard Drug Price na P64,924, 000.00. Ang lahat ng ito ay
sinunog pagkatapos ng dokumentasyon, at ang isang follow-up na operasyon ay isinasagawa upang makilala ang mga magsasaka.
Samantala, sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City ay nagresulta
naman ng pagkakadakip sa isang Street Level Individual (SLI) na kinilalang si Mike Reniel Base Pascua, 26,. Narekober sa kanya ang 8.00 gramo ng pinatuyong marijuana fruiting tops at 8.85
gramo ng hinihinalang shabu, na may kabuuang SDP na P61,140.00. Nahaharap ngayon ang
naarestong suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Zaldy Comanda/ABN
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024