TANUDAN, Kalinga
Nahaharap ngayon sa paglabag sa Presidential Decree 705 ang anim na katao matapos mahuli ang mga ito na humahakot ng iligal na sawn lumber na Narra na nagkakahalaga ng P64,990 sa
Barangay Mabaca, Tanudan, Kalinga noong Agosto 23. Ang ulat na isinumite kay Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director ng Police Regional Office-Cordillera, kinilala ang mga suspek na sina
Jhonel Manipon Detchoso, 21; Michael Jordan De Larma Mateo, 29; Alvin Ramos Batwagen Tondo, 25; Ricky Bale Lawi, 28; Richard Sikat Garma, 30; at Arnold Mateo Santos, 29; lahat ng residente ng Quirino Province.
Ayon sa mga ulat, tumugon ang Tanudan Municipal Police Station (MPS) at magkasanib na mga tauhan ng DENR Kalinga at LGU Tanudan sa isang ulat hinggil sa patuloy na paghakot ng mga iligal na nilagari na kahoy na Narra malapit sa pampang ng ilog sa Sitio Anago, Barangay Mabaca, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga pinaghihinalaan. Nakumpiska mula sa suspek ang isang unit chainsaw at pitong piraso ng Narra lumber na may iba’t ibang sukat, na may kabuuang volume na 129.98 board feet at market value na P64,990. Nasa kustodiya na ngayon ng Tanudan MPS ang mga naarestong suspek, habang dinala sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Kalinga ang chainsaw at Narra lumber para sa kaukulang disposisyon.
TFP/ABN
August 26, 2023
August 26, 2023
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024