P65-M credit facility, binuksan ng DA sa Benguet at Mt. Province

Feb 17, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – May panimulang P65 milyon na credit funds sa ilalim ng Production Loan Easy Access Program (PLEA) ang inilaan para sa vegetable at strawberry farmers sa Benguet at Mountain Province.
Ito ang inihayag ni Kristine Ann Balingan, focal person ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) sa Benguet.
Ang PLEA ay isang credit financing program ng ACPC isang attached agency ng Department of Agriculture.
Sa isinagawang thanksgiving at dedication sa La Trinidad noong Biyernes, Pebrero 9, ay ipinahayag ni Balingan na ang availability ng funds sa La Trinidad-Japan Agriculture Trainees Association (LAJATA), isang pribadong organisasyon na may adbokasya sa good agriculture practices.
Ayon kay Balingan sa P65 milyon credit facility, ang P50 milyon ay mapupunta sa Benguet habang ang P15 milyon ay nakalaan sa mga magsasaka ng Mountain Province.
Sinabi pa ni Balingan na ang PLEA funds ay available din para sa Apayao at Kalinga, ngunit walang halagang binanggit.
Base sa mga papel ng PLEA na iprinisinta ni Balingan, ang PLEA facility ay isang special credit program na nadisenyo para matugunan ang pinansiyal na pangangailangan ng mahihirap at maliliit na magsasaka at mangingisda para sa isang mabilis, maginhawa at affordable credit.
Dagdag pa niya na inihahandog ang pondo sa non-collaterized loans para sa agri-fishery production, at ang mga cooperative banks, cooperatives, farmers at fisherfolk organizations, at non-government organizations (NGOs) bilang mga credit delivery conduits.
Ang mga eligible borrowers ay maaaring maka-avail hanggang P50,000 depende sa agr-fishery production project. Isang miyembro lamang ng bawat sambahayan ang maaaring mag-loan sa isang pagkakataon. Ang isang miyembro ng sambahayan ay maaaring ang ama, asawa, o isang nagtatrabahong nasa hustong edad.
Sinabi ni Balingan na ang bawat loan ay may interest rate na 6 porsiyento kada taon, o 0.5 porsiyento bawat buwan. Ang isang loan ay maaaring bayaran sa loob ng dalawa hanggang sampung taon depende sa commodity o activity na pinasukan ng aplikante.
Ayon pa kay Balingan na noong 2017 P30 milyon ang inilabas mula sa P43.06 milyon na nakalaang credit facility para sa Benguet.
Aniya, ang 550 magsasaka at 14 farmer cooperatives ay nabenipisyuhan mula sa special financing program. ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest