P678 MILLION MARIJUANA BINUNOT SA CORDILLERA

CAMP BADO DANGWA, Benguet – May kabuuang P678 milyong halaga ng marijuana ang binunot at sinunog sa limang araw na implementasyon ng marijuana eradication na isinagawa ng mga iba’t ibang yunit ng Police Regional Office- Cordillera sa rehiyn ng Singsons still dominate Ilocos Sur political arena Singsons on page 9 PRO1 BARANGAYANIHAN CARAVAN held on September 30, 2021 Cordillera.
Ang operation ay tinawag na Oplan Herodutos na isinagawa noong Setyembre 23-27 na nagresulta sa pagkakadiskubre ng kabuuang 72 plantation sites sa lalawigan ng Benguet,Kalinga at Mt.Sa Benguet, may kabuuang 11,850 fully grown marijuana plants (FGMP) at 24,780 seedlings na may halagang P3,361,200.00 ang binunot sa 30 magkakahiwalay na marijuana plantation sites.
Sa Kalinga, may kabuuang 2,241,500 FGMP at 1,640 kilograms of dried marijuana leaves/stalks/fruiting tops na may halagang P645,100,000.00 ang pinagbubunt mula sa 39 marijuana plantation sites.
At sa Mountain Province, may kabuuang 152,000 FGMP na may halagang P30,400,000.00 ang winasak mula sa tatlong marijuana plantations sites. Nabatid na nagtungo si PROCOR Regional Director BGen. Ronald Oliver Lee sa Tinglayan, Kalinga,para personal na pasalamatan ang kanyang mga tauhan na nagsakripisyo sa matagumpay na operation ng mariuana eradication.
Hiniling din nito na ipagpatuloy ang monitor sa presence ng marijuana plantation para mahuli ang sinumang cultivator at ipagpatuloy ang checkpoint,interventions,patrol operations laban sa tangkang pagpuslit ng marijuana sa rehiyon.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon