P680-K shabu nakumpiska sa high-value target sa Pangasinan

CALASIAO, PANGASINAN – Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa PhP680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu mula sa isang high value target (HVT) sa isang patibong na operasyon noong Martes, Abril 5 sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.
Sa isang panayam ay kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan provincial officer Rechie Camacho ang suspek na si Aaron James Andaya, isang residente ng Calasiao.
Nagsagawa ang PDEAPangasinan at Calasiao police ng operasyon noong gabi ng Martes sa Barangay Nalsian ng bayan ng Calasiao, aniya.
Sinabi ni Camacho na nakakumpiska sila mula sa suspek ng 100 gramo ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalia, at buybust money, at iba pa. “Andaya is an HVT because of the coverage of his illegal drug transaction. Prior to this arrest, the suspect was arrested last year in the same case with over PHP400,000 worth of shabu. However, due to technicalities, he was released from prison,” aniya.
Sinabi ni Camacho na sisiguruhin nila na ang kaso laban sa suspek ay inihahanda na ipipila nila ay mahigpit. Hinikayat niya ang publiko na maging mapagmasid at iulat sa pulisya ang sinumang kadudadudang mga tao o aktibidad sa kanilang lugar.
“Since there are buses now plying to and from the province, we expect more activities from the illegal drug traders but we are also on alert against them,” dagdag niya.
(HA-PNA Ilocos/ PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon