P7.5-B eco-waste to energy pinasinayaan sa La Union

Jan 28, 2019

STO TOMAS, LA UNION – Tinatayang magsisimula na ang pagpapatayo ng P7.5 bilyong halaga ng proyektong eco-waste to energy sa Pebrero 8, 2019.
Ito ay matapos na pinasinayaan ng mga lokal na opisyal ng bayan ng Sto Tomas at ng proponent ang proyekto noong nakaraang linggo.
Sa panayam ng Amianan Balita Ngayon at ng ilang miyembro ng mga media sa La Union ang eco-waste to energy na pasilidad ay maaaring komolekta ng mahigit na 2,800 na tonelada ng basura na manggagaling sa iba’t ibang lugar sa Northern Luzon at maaaring makapag-generate ng 45 megawatts ng elektrisidad sa buong Region 1.
Bukod dito ay magtatayo rin ng windmills ang naturang kompanya na pinamamahalaan ni Engineer Frederick Tuazon, na tubong Agoo, La Union. Ang proponent na kompanya ay ang T-11 Corporation at ang construction arm nito ay ang Alta Construction Corporation.
Ayon kay Tuazon, matagal na nilang pinag-iisipan at pinag-aralan ang problema sa basura hindi lang sa lungsod ng Baguio kundi maging sa buong bansa, subalit aniya ay uunahin nilang itayo ang naturang pasilidad sa lalawigan ng La Union at unti-unti ay daldalhin nila sa iba’t ibang lugar sa bansa upang mabigyan ng solusyon ang problema sa basura na kung saan ay ito na ngayon ang pinagtutuunan ng pansin ng mga opisyal ng bansa at maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay lubhang nababahala sa pagdami ng tone-toneladang basura sa bansa na kung saan ay nagiging sanhi ng pagbaha sa iba’t ibang dako ng bansa.
Sa lungsod ng Baguio na lang ay halos gumagastos ng P100 milyon upang itapon lamang ang basura sa bayan ng Capas, Tarlac o sa siyudad ng Urdaneta, Pangasinan subalit sa paglipas ng panahon ay naging problema na rin ng bayan ng Capas at Urdaneta ang kanilang mga basura.
Sinabi naman ni Tuazon na ang construction period ng pasilidad ay aabot ng mahigit na isang taon sapagkat ang kanilang itatayong eco-waste to energy ay isang top of the line na pasilidad na magsasagawa rin sila ng eco-park sa bayan ng Sto Stomas upang maging atraksyon din ito sa turista.
Maging ang mga opisyal ng BLISTT ay inimbitahan ni Tuazon upang masaksihan nila ang kanilang presentasyon sa kanilang pasilidad na maaaring maging sagot aniya sa problema ng basura sa BLISTT area. Hindi aniya maitatago na lubhang dumami ang residente ng lungsod at ng BLISTT na siyang magiging sanhi rin aniya ng pagdami ng basura.
Sa ngayon, ani Tuazon, ay nagsasagawa na sila ng information dissemination sa buong Norte upang bigyan ng kaalaman ang mga lugar na ito na may eco waste to energy na itatayo sa lalawigan ng La Union. Idinagdag pa niya na, “I assured our kababayan here in the North that we are the lowest company to charge the tipping fee and aside from this, we will donate garbage trucks to our clients to assure that their garbage will be properly collected”.
Open arms naman itong tinanggap ng mga opisyal ng La Union dahil alam nila na ito rin ang makakapagbigay ng solusyon sa kanilamg problema sa basura na kung saan ay maaaring mademanda ang mga lokal na opisyal kapag hindi nila napangasiwaan nang maayos ang kanilang kapaligiran na sanhi ng sobrang basura at karumihan ng paligid na nakapaloob sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.
ABN/Thom Picaña

RELATED POSTS

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro)...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest